Wednesday, June 28, 2006
Ako ngayon ay nasa Gokongwei 404. Wala akong magawa sa kasalukuyan kaya heto at naisipan namin ni Ale magblog. 24 oras na ang nakalipas pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pano ba naman eh sa huling 24 oras ay wala akong ginawa kung hindi lumaklak ng serbesa. Ayan bugbog na ang atay ko pero malinis naman ang katawan ko sa taas ng alcohol content nito. 24 oras na ang nakalipas, pero hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Lahat ng mga bagay na nangyari ay naaalala ko pa rin ng malinaw at detalyado. Lahat ng mga bagay na sinabi mo ay malinaw pa rin na bumubulong sa aking tenga, sa aking puso, sa aking damdamin, sa aking pagkatao.
Pag pasok ko ng unibersidad, nakipagkita ako kay Ale, pagbati ko sa kanya ay kumakanta siya, "Anong meron ang taong happy?". Ano nga ba? Bakit kakaiba ang pakiramdam na masaya ka? Parang nakakakiliti sa tiyan. Ang gaan ng pakiramdam kahit na ba may tama pa rin.
Ang lakas ng tama ko sayo, para akong bangag sa kakaisip sayo. Bakit nga ba ganito? Hindi ko maintindihan ang pakiramdam.
Ewan ko ba, gulung-gulo na ang isipan ko pero masaya ang pakiramdam. Sabi ko naman sayo eh:
Gusto kong malasing sa iyong pagmamahal...
finale.
5:40 PM
5:40 PM