Sunday, June 25, 2006


Brad Nights



Kagabi ay ang isa sa mga pinakamasayang gabing naranasan ko sa aking buhay. Pumunta kami ni Nico, Cuyeg, Dhi at ako sa Zayteenya sa may Timog. Ayun, nagpakasira-ulo kami. Tawanan, joke time, inuman, picturan at kwentuhan. Siyempre yung pinakamasaya dun yung kwentuhan part, kasi matagal-tagal na kaming di lumalabas. So ayun, kanya-kanyang storya, kadalasan tungkol sa babae at ang mga sawing storya namin dito maliban na lang kay Nico. Nang ako na ang nagkwekwento, eto na nga at nasabi ko na rin sa kanila ang tungkol kay...ayun basta samin-samin na lang yun. Tinanong nila akong mabuti, sigurado na raw ba ako dito, sabi ko "oo". At nung una pa nga ay parang ayaw nila maniwala, ang sabi ko naman ay seryoso at sigurado na ako. Tapos bigla akong hinamon ni Nico, "Brad, kung talagang seryoso ka kay ... straight mo nga itong SMB Pale Pilsen (a.k.a Daddy Beer). Siyempre dahil seryoso ako, tinungga ko ng parang walang bukas at pagkatapos nun ay para akong bangag na gago. Pero ayos lang, kasi ang pangalan lang niya ang laman ng isip at puso ko ng mga oras na yun. Siya lang at wala nang iba. Pagkatapos ay pumunta naman kami ng Fuzion para mag-chillax at kumain. Hanggang dun, siya pa rin laman ng isip ko. Pagkabayad namin ng bill namin ay kinlepto ko pa yung checkbook at binigay ko kay pareng Nico para souvenir nya. Naglalakad kami sa kahabaan ng Tomas Morato, dumaan kami sa harap ng isang pokpokan pero wala akong pake alam. Basta ang isip ko ay nakatuon lang sa kanya. Hanggang sa nakatulog kami, siya pa rin ang nasa isip ko. Umuwi ako ngayon ng may bitbit na mga dala-dala galing sa pare kong si Nico, salamat brad, makakaporma na ako! Pauwi na ako, sa MRT, sa bus, sa tricycle, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Sinusulat ko ang entry na toh, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Sabi ko naman sayo eh, gusto kong malasing sa pag-ibig mo at ngayon, may hangover pa ako sayo. Good Vibes Tsiong!

finale.
12:40 AM

FUCKING
Wey Loser.


LONER
Wey and I'm a retard.


ON THIS
Get lost idiot.


FUCKING


PLANET


GET AWAY
Talk to me.


FROM ME
Fuck you all!