Wednesday, August 23, 2006
Wala akong maipagmamalaki. Hindi ako mayaman, hindi rin naman ako gwapo. Hindi ako matalino, wala akong kayang gawin. Lagi na lang akong sabit sa iba. Kung saan sila dun na rin ako. Duwag ako. Deins din ako cool, deins din masex appeal. Hindi ako tigas. Hindi ako angas. Hindi ako mabait. Hindi ako marunong umintindi. Bobo ako. Wala akong alam. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasa La Salle eh. Parang nagtatapon lang ako ng pera dito sa eskwelahan na ito dahil di ko naman kaya sumabay sa utak ng mga tao dito. Pag kasama ko mga kaibigan ko, mga kakilala ko, mga kaklase ko, natatakot ako. Natatakot na mapintasan, kasi mahina ako at walang kakayahan. Ang hirap maging walang kwenta, yung tipo ng tao na walang kayang gawin na tama. Ang tawag sa mga taong katulad ko, "Supot".
finale.
7:47 AM
7:47 AM