Friday, September 08, 2006

Sino nga ba ako? Kilala niyo ba ang taong nagsusulat sa likod ng mga salitang ito? Masayahin sa labas, problemado sa loob. Yan ang buhay ko araw-araw, laging nagtatago sa likod ng maskara. Mula pagkabata pa lang puro problema na. Siguro hanggang sa aking huling hininga ay problema pa rin ang papatay sa akin. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob isulat ang aking mga saloobin. Ang mga bagay na nararanasan ko at mga nararamdaman ko sa araw-araw na ginawa ng diyos. Akala niyo ba ay madaling mabuhay? Akala niyo ba puro ngiti at tawa lang ang ating mundong ginagalawan? Nagkakamali ka. Simula ng iluwal ako ng aking ina sa mundong ito ay umiiyak na ako, hanggang sa kasalukuya, umiiyak pa rin ang aking pagkatao.

Ipinanganak ako noong Abril 22, 1988. Lingid sa aking kaalaman dito pala magsisimula ang impyerno ko. Ang ama ko ay ang bunso sa kanilang magkakapatid at dahil bunso, siya ang paborito ng aking lola. Mahirap lang ang angkan namin. Isang kahig isang tuka. Ganoon lamang kasimple ang buhay noon pero may pangarap ang pamilya ng aking ama para sa kanya at ito ay ang makatapos ng kolehiyo para maiangat ang buhay ng kanyang pamilya at ng kanyang magiging pamilya. Iginapang siya ng kanyang pamilya upang makatapos ng kolehiyo. Ang ama ko ay nasa kanyang huling taon na at malapit nang magtapos. Ang ama ko ay likas na matalino pero tamad at bulakbolero. Una siyang ipag-aral sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Doon ay kumuha siya ng kurso sa arkitekto. Ilang taon lang ang ama ko dun dahil hindi raw niya kaya ang UST dahil masyado raw mahirap at hindi kaya ng utak niya pero sa totoo ay napapabarkada na siya. Inilipat siya ng aking lola sa Mapua Institute of Technology. Simula ng tumuntong siya sa institusyon na ito ay wala na siyang ginawa kung hindi magbulakbol. Ang paalam niya kapag aalis ng bahay ay pupunta na siya sa paaralan pero sa totoo lang ay makikipagkita lamang siya sa mga kabarkada niya at mula doon ay kung saan-saan sila mapapadpad. Pagkatapos ng ilang semester sa Mapua ay napilitan siyang lumipat ng paaralan dahil masisipa na siya doon. Ang lolo ko ay galit na galit dahil nanghihinayang siya sa perang iwinaldas ng ama ko. Sa pagbabakasakaling magbabagong buhay na ang aking ama, siya ay ipinasok ng lola ko sa Far Eastern University. Pinilit ng ama ko magbago. Pumapasok naman siya at nakakakuha ng matataas ng grado. Unti-unti na rin nagbabago ang ihip ng hangin sa tadhana ng aking pamilya. Ang nakakatanda niyang kapatid na lalake ay tapos na rin ng kolehiyo at isang taon na lang ang hinihintay at matatapos na rin siya.

Ngunit sadyang malupit ang tadhana at sa hindi inaasahang pagkakataon ay namatay sa isang aksidente ang nakatatandang kapatid ng ama ko na siya niyang iniidolo.

Gumuho ang mundo ng ama ko. Nawalan siya ng inspirasyon para ituwid ang buhay niya. Para sa kanya, ang kanyang kapatid na nasawi lamang ang nakaiintindi sa kanya. Tumayong modelo at kaibigan ang kanyang nakatatandang kapatid para sa kanya. Pakiramdam ng ama ko ay mag-isa na lamang siya sa mundong ito. Gabi-gabi ay walang ginawa ang aking ama kung hindi mag-gala at uminom. Madalas siyang tumatambay sa piyer dahil ang mga kabarkada niya galing Letran at Mapua ay doon madalas tumambay. Doon pinapanood niya lumubog ang araw sa karagatan. Ito ang kanyang paraan para pagalingin ang sugat na iniwan sa kanya ng tadhana. Unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Araw-araw ang tindi ng lungkot na kanyang pinagdaraanan simula ng maulila siya sa kanyang kapatid. Pero biglang nag-iba uli ang ihip ng hangin.

Doon sa piyer na yun, lulan ng isang barko, nakilala niya ang aking ina.

Ang aking ina ay tubong Bacolod. Ang pamilya niya ay may kaya sa Bacolod. Kabaligtaran ng ama ko, siya ay nabuhay sa isang pamilyang sagana sa salapi at pagmamahalan. Ang aking ina ay likas rin na matalino. Valedictorian siya ng St. La Salle Bacolod nung siya ay nasa mataas na paaralan. Tumungtong siya ng kolehiyo bilang isa iskolar sa St. La Salle Bacolod at kumuha siya ng degree sa commerce. Parang wala nang proproblemahin sa buhay ng aking ina. Ang kanyang ama ay may mataas na katungkulan sa kompanyang kanyang pinagtratrabahuhan, ang Negros Navigation. Minana ng aking ina ang kanyang talino sa kanyang ama. Ang lolo ko ay iskolar ng La Salle Bacolod mula sa mataas na paaralan hanggang magtapos siya ng kolehiyo. Siya ay valedictorian noong kanyang panahon sa mataas na paaralan at naging Magna Cum Laude naman nung kolehiyo. Dahil sa dami ng kanyang mga natamong tagumpay noong siya ay nag-aaral, agad-agad siyang binigyan ng mataas na posisyon ng Negros Navigation. Malaki ang lupain ng pamilya ng aking ina. May sarili silang kotse at lahat silang magkakapatid ay nag-aaral sa magagandang mga paaralan. Nasa ikalawang taon na ng kolehiyo ang aking ina ng nasawi ang kanyang ama sa isang aksidente. Simula noon ay sunud-sunod na kamalasan na ang nangyari sa kanilang pamilya. Sa isang iglap, ang dating mayaman nila na angkan ay nabaon na sa kahirapan. Ang nanay ko ay isang promdi, usong-uso noon sa kanila ang pagluwas ng Maynila para makipagsapalaran. Lulan ng isang barko, iniwan niya ang pamilya sa pag-asang makahanap ng magandang buhay sa Maynila.

Sa Manila Port Harbor nagkakilala ang aking ama at ina. Ang aking ama ay mabilis pag dating sa babae, palibhasa mestisa ang nanay ko dahil may halong kastila ang kanyang lahi, agad-agad niyang kinilala ang aking ina. Love at first sight ika nga ng iba. Simula ng araw na yun ay hindi na sila pinag-hiwalay ng tadhana.

Ang ama ko ay magtatapos na rin sa wakas ng kolehiyo. Isang taon na lang at magkakadiploma na siya ng malaman niyang buntis na pala ang aking ina. Ang batang dinadala ng aking ina ay ako. Hindi ako iplinano ng aking ama at ina. Ako'y aksidente ng kanilang pagiging maharot sa isa't-isa. Nangako ang aking ama sa aking ina na pakakasalan niya ito at mabubuhay ng matiwasay pagkatapos niya sa kanyang pag-aaral. Nang malaman ng aking lolo ang pagdadalang tao ng aking ina, nagpanting ang kanyang mga tenga. Sa inis at galit niya ay pinalayas niya ang aking ama. Nawalan na ng tiwala ang aking lolo sa kanyang anak. Inabuso raw nito ang kanyang pasensya bilang isang ama.

Nag-alsabalutan ang aking ama at itinanan niya ang aking ina. Dahil walang konkretong plano, sila ay nagpakalat-kalat sa kamaynilaan. At sa huli ay napadpad sa lugar kung saan sila unang nagtagpo, ang piyer. Doon ay ipinilit ng aking ama na buhayin ang kanyang bagong pamilya. Pumasok siya sa piyer bilang isang crane operator. Wala kaming tiyak na tahanan noon kaya sa mga bakanteng container van kami tumitira. Halos isang taon silang namuhay ng ganun.

Namamalengke ang aking ina noon para sa kanilang dalawa ng aking ama. Sa gitna ng kanyang pamamalengke ay biglang sumakit ang tiyan niya. Yun na pala ang oras para lumabas ako sa mundong ibabaw. Ang kanilang panganay ay ipinanganak sa mabaho at malansang palengke ng Maynila.

Nang malaman ng lolo ko na nanganak na pala ang nanay ko, agad niyang pinabalik sa kanyang pamamahay ang mga magulang ko. Napatawad na rin niya ang ama ko. Dahil naaawa ang lolo at lola ko sa mga magulang ko. Binigyan ng aking lola ng pera ang mga magulang ko upang makapagsimula ng isang negosyo. Bumili sila ng pwesto sa palengke ng FTI. Malakas ang kita ng kanilang tindahan at unti-unting gumiginhawa ang pamumuhay ng aming pamilya. Ito na siguro ang magandang kinabukasan na matagal nang hinihintay ng mga magulang ko.

Ang tita ko ay mahilig sa bata kaya naman tuwing Sabado at Linggo ay doon ako nauwi sa bahay nila. Matanda na rin kasi ang kanyang nag-iisang anak na babae kaya naman aliw na aliw ang tita ko sa akin tuwing doon ako sa kanila nagtitigi. Mabait na babae ang tita ko, tinulungan niya ang aking magulang sa pagpapalaki sa akin ng wasto. Pati ang asawa niya ay tuwang-tuwa sa akin dahil na rin siguro hindi sila nagkaroon ng anak na lalake. Ipinaghanda ako ng tita ko noong aking unang kaarawan.

Ang saya ng aming buong pamilya noong aking unang kaarawan.

Ngunit lahat yun ay magbabago sa isang iglap.

Kinabukasan, Abril 23, 1989. Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng aking tita at nabaril ang aking tito. Maagang nabiyuda ang aking tita sa kanyang asawa. Hindi alam nang aking mga magulang ang kanilang gagawin. Ilang linggo makalipas ang pagkamatay ng asawa ng tita ko, nasunog ang palengke, lahat ng paninda ay tinupok ng apoy.

Hindi na alam ng aking magulang ang kanilang gagawin. Ang tita ko ay nalulungkot. Sa isang iglap ay nawalan ng sigla ang aming angkan.

Naging miserable ang buhay. Ang aming pamilya ay baon sa utang.

Nang ako ay maging 6 na taong gulang ay bigla akong natanggap sa isang trabaho sa murang gulang ko. Naging mabilis ang pagdaloy ng pera. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang sa akin dahil kahit papaano ay naiaahon ko na sila sa kahirapan. Sino bang hindi matutuwa sa kanilang anak kapag kumikita ito ng malaking pera. Pero sa isang iglap napansin ko na parang inaabuso na ang aking pagsasakripisyo. Pinili kong umalis sa aming tahanan at magpaampon sa aking Tita dahil hindi na ako natutuwa sa aking naging buhay kasama ang mga magulang ko. Ako na nga itong kumakayod, ako pa napapagalitan kapag gusto kong magsaya kahit paminsan-minsan.

Sa isang linggo ay madalas ako bisitahin ng aking ama sa bahay ng aking tita. At tuwing siya ay daraan sa akin ay wala na lang akong natikman kung hindi sermon. Walang sawang pambubunganga. Ang nakakatawa pa ay wala naman akong ginagawang masama. Lumalabas tuloy na parang stressball ako sa bahay. Sa akin napupunta lahat ng galit ng mga tao. Hanggang sa kasalukuyan ganyan pa rin ang aking buhay.

Bakit ba ang malas ng buhay na ito? Puro hirap na lang. Puro lungkot. Puro luha. Sawa na ako. Ayoko na. Iligtas niyo ako.


finale.
6:05 AM

FUCKING
Wey Loser.


LONER
Wey and I'm a retard.


ON THIS
Get lost idiot.


FUCKING


PLANET


GET AWAY
Talk to me.


FROM ME
Fuck you all!