Friday, October 06, 2006
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Putang ina tigilan mo na sana ako. Nahihirapan na ako. Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na. Kalimutan na lang sana natin ang kahapon. Magpanggap na lang tayo na hindi natin kilala ang isa't-isa. Layuan mo na lang ako. Iiwasan na lang kita. Huwag mo na sana ako batiin. Huwag mo na sana akong ngitian. Huwag mo na akong pahirapan. Sapagkat kahit kailan, hindi na gagaling ang sugat na iniwan mo sa aking damdamin. Ang hirap magising sa bangungot ko sayo. Akala ko sapat na ang umikot ang aking mundo sa iyo. Akala ko tama ang ibigin ka noon. Huwag ka nang magmaangmaangan pa. Kilala mo kung sino ka. Lubayan mo na ako. Huwag mo na sana akong pahirapan. Huwag ka nang bumalik dahil huli na ang lahat. Nasaktan mo na ako. Tapos na yun. Wala na tayong magagawa dun. Nadala na ako. Gusto ko nang matapos ang lahat. Iiwanan na lang kita at sa ganoon ay iiwanan mo na lang din ako. Mag-ingat ka. Huwag mong pababayaan sarili mo. Pasensya na at salamat sa lahat. Paalam.
finale.
11:08 AM
11:08 AM